Raffy Tulfo, muling nanawagan kay DOH Sec. Duque at pati na rin kay FDA Sec. Domingo.

*ARTICLE SUMMARY*

*Sa ikatlong pagkakataon, muling nanawagan si Raffy Tulfo kay DOH Secretary Francisco Duque. Ngunit sa pagkakataong ito, dawit na rin pati ang Secretary ng FDA na si Eric Domingo.


*Kinikwestyon nya ang mga ito kaugnay ng mga gamot at vaccine lalo na ang mga donasyon ng World Health Organization (WHO).


*At kahit na kay Pangulong Duterte ay mayroon syang isang kahilingan na sibakin na lamang ang dalawang kawani kung hindi nila masasagot ang kanyang mga katanungan.

Matapang at walang kakaba-kaba na muling hinamon ni Raffy Tulfo si Department of Health Secretary Francisco Duque na bumaba sa pwesto lalo na kung hindi nito masasagot o maipapakita kung saan napunta ang mga gamot at vaccine na donasyon ng World Health Organization sa Pilipinas.


Hindi ito ang unang beses na tinawag ni Tulfo ang kalihim at ngayon maging si Dr. Eric Domingo ng Food and Drug Administration (FDA) ay kanya na ring hinamon.

Ibinunyag kasi ni Tulfo ang sinasabing niyang mga katiwalian sa FDA na kanya mismong nabisto nang makapanayam niya si Domingo.

"I think this is the time Dr. Domingo na i-praktis mo iyong kasabihan na 'less talk, less mistakes. Kasi the more you open your mouth, the more na nadidiin po kayo!" - Raffy Tulfo to Dr. Eric Domingo.

Isang halimbawa na ibinigay ni Tulfo kaugnay ng nasabi niyang ito kay Domingo ay nang tanungin umano ang kalihim sa isang radio station kung bakit hindi nito pinahihintulutang magamit ang Ivermectin sa Pilipinas.


Ang sagot ni Domingo, naghihintay lamang umano sila na marehistro ang nasabing gamot.



Ngunit, lumalabas na iniipit pa rin ito ng FDA dahil makailang beses nang nagpadala ng application ang iba't ibang mga nais na magpasok ng Ivermectin sa bansa ngunit ang sagot lamang daw ni Domingo ayon kay Tulfo ay "malabo" ang kopya na ipinadadala sa kanila ng mga tao.

Giit pa ni Tulfo, malaki ang kamurahan ng Ivermectin kumpara sa Remdesivir na mas mapapakinabangan sana ng mas maraming Pinoy na tinatamaan ng Covid-19.

Isa rin sa tinatanong ni Tulfo ay kung saan umano napunta ang donasyon ng World Health Organization na milyon-milyong halaga ng Remdesivir.


"Hinahamon kita Mr. Duque, paki-account lang saan napunta yung milyon-milyong Remdesivir na dinonate ng WHO, pwede ba in the name of transparency, ipakita niyo sa taumbayan yung pangalan ng mga ospital na nabigyan noon", Banat ni Raffy Tulfo kay Duque.

Sa pagkakataong ito, maging kay Pangulong Rodrigo Duterte ay nanawagan na si Tulfo upang sibakin ang dalawang kawani kung hindi nila masasagot ang nabanggit na mga katanungan.

"Panawagan ko po kay Pangulong Duterte, sir paki-account lang po pakisabi po dito kay Duque, at saka dito kay Domingo paki-account lang saan napunta yung milyon-milyong halaga ng remdesivir, yung mamahaling gamot na dinonate ng WHO sa Pilipinas" 

"Kapag hindi po nasagot yan ng dalawa niyong alipores, sir pakisibak na po, ibig sabihin, may ginagawa pong milagro itong dalawang ito"


Narito ang kabuuan na video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:


Please like and share this article to other social media platform to show you support to us in PILIPINAS UPDATES. Don't hesitate to comment and share your thoughts about this article either. We love reading about your thoughts!


Comments