Isang lalaki patay matapos mag-squat ng 300 beses dahil sa paglabag sa Curfew hours

A police officer inspects motorists at a quarantine checkpoint on March 29, 2021 in Marikina, Metro Manila, Philippines.

Isang lalaki sa General Trias, Cavite ang namatay dahil sa pwersahang pagpapagawa sa kanya ng tatlong daang squats dahil sa kanyang paglabag sa itinakdang Curfew hours.

 

Ika-1 ng Abril nang lumabas si Darren Manaog Peñaredondo 28 anyos na lalaki upang bumili lamang ng tubig sa General Trias na sumasailalim ngayon sa lockdown (Enhance Community Quarantine).

 

Ayon sa kanyang pamilya, bumili lamang ito ng tubig na maiinom ng maabutan ito ng Curfew hours sa kanilang lugar. Hinuli daw ito ng pulis at doon na ipinagawa ang "100" squats. Ayon sa mga nakasaksi ay ilang beses daw itong ipinaulit sa kanya hanggang sa ito ay makaabot ng "300" beses.

 

 Sabi ng kanyang pamilya, "Nagumpisa syang magkaroon ng kombulsyon noong sabado (ika-3 ng Abril), ngunit bumigay na ang katawan nya. Sinubukan pa namin itong irevive ng ilang ulit sa aming bahay ngunit wala na talaga". Ayon naman sa isang report si Peñaredondo ay pumanaw ng 10:00 PM.


Ang Pilipinas ay isa sa may pinaka malaking bilang ng Covid-19 cases sa buong Asia. Ito ay may record na higit kumulang 819,000 infections at 14,000 na namatay, ayon sa record ng John Hopkins University. Marso nang muli itong umakyat sa mataas na bilang kaya napilitang magpatupad ulit ng lockdown ang awtoridad sa milyon na katao, kasama na rito ang probinsya ng Cavite.

 

Ang Department of the Interior and Local Government at ang mayor ng General Trias ay nagsagawa ng masinsinang imbestigayson tugon sa pagpanaw ni Peñaredondo, ayon sa isang ulat.

Philippines orders more than 25 million people into lockdown over Easter as Covid-19 cases soar
"All police officers who will be proven to have violated the law will be prosecuted and meted with appropriate (administrative) and criminal penalties," ayon sa isang text ng DILG undersecretary Jonathan Malaya sa CNN Philippines.

 

Dahil sa pagkamatay ni Peñaredondo, ay naglabasan na din ang mga ulat ng "brutal policing techniques."



Sa isang statement nakaraang buwan, isang non-profit organization ang Human Rights Watch (HRW) ay naglabas ng report tungkol sa mga opisyal na nagpapatupad ng brutal na parusa sa mga lumalabag sa quarantine protocols, halimbawa na lamang ang mga kabataang ikinulong sa isang "dog cage". At isa pa rito ang pagpapabilad sa mainit at tirik na araw sa mga taong lumabag sa Curfew hours.

Police officers inspect motorists at a quarantine checkpoint, on March 29, 2021 in Marikina, Metro Manila, Philippines.

Ano ang iyong hinaing ukol dito sa Article na ito. I-comment nyo lang sa ibaba upang malaman namin ang reaksyon ninyo.

 

Para sa mga karagdagang informasyon: CNN News

Comments